Wednesday, August 11, 2010

Pilipino Ako


Isa na yata sa mga pangarap ko ay ang malibot ang buong mundo.  Tila ba sa litrato ko na lang mapagmamasdan ang magarang 'Statue of Liberty' sa New York, ang 'Eiffel Tower' sa Paris at ang 'Disneyland' sa Los Angeles.  Kaya naman sabi ko noon sa sarili ko, magiging kuntento na ako kapag nakapaglakbay na ako sa ibang bansa.  Matapakan ko man lang ang lupa ng mga banyaga,  lubhang magiging masaya na ako.  Ngunit  nang nabigyan na nga ako ng pagkakataong makapunta sa tatlo sa mga karatig na bansa ng aking mahal na bayan,  napagtanto ko namang  gaano man kaganda ang mga istruktura sa mga lugar na iyon, gaano man kamoderno ang kanilang mga kagamitan, ang angking ganda pa rin ng 'Perlas ng Silangan' ang hinahanap- hanap ko.  

                                            Video: Philippines- Experience the 7107 Islands 
                                                          by bestdestination, via YouTube

Minsan nang may nagsabi sa kin: 'The Philippines USED to be a paradise.'  Nakakalungkot mang isipin, ito ay isa lamang repleksyon ng mga pananaw ng mga banyaga sa estado ngayon ng bansang ipinagmamalaki ko. Marahil nga ay lubhang malaki na ang ipinagbago ng Pilipinas.  Base sa mga nakikita kong litrato, lubha ngang mas malinis at maayos ang bansa noong una.  Mas kagalang-galang tingnan ang mga tao sa suot nilang Baro't Saya at Barong Tagalog.  Pero sa kabila ng lahat ng ito ay minamahal ko pa rin ang bansang ito. Iba pa rin kasi ang paghangang nararanasan ko kapag nakikita ko ang mga kabundukang pinatibay ng panahon at ang mga karagatang nananatiling matatag sa paglipas ng mga taon.  Sa Pilipinas lamang kasi matatagpuan ang perpektong hugis ng Bulkang Mayon, ang nakakatakam na Chocolate Hills at ang mapuputing buhangin ng Boracay. 

Image generated with the help of
ChatGPT (OpenAI)
Napakaganda nga naman ng Pilipinas.  Hindi lang talaga kaaya-aya ang pamamalakad dito.  Saan man ako mapadpad dito, may mga katiwalian.  Pakalat-kalat lamang ang mga pulis na nangongotong, mga negosyanteng hindi nagbabayad ng buwis,  at mga kabataang nagdodroga at kumikitil ng buhay ng mga sanggol sa kanilang sinapupunan.
Isa man ang bansa sa may pinakamalaking populasyon ng mga Katoliko sa mundo, lumalabag din naman ang karamihan sa mga kautusan ng Diyos.  Ilang lider na rin ang dumaan sa bansang ito.  Ang ilan sa mga nabanggit ay lubhang matatalino, may integridad, maka-Diyos at maka-masa ngunit hindi pa rin sila naging daan upang maging maunlad na ang bansa.  May pag-asa pa ba talaga ang bansang ito?  Hindi kaya tuluyan na tayong malulugmok sa putik ng kasakiman?


Bakit nga ba hindi pa umuunlad ang Pilipinas?  Dahil ba sa korupsyon, sa mga iilang taong sinasarili ang pondo ng bansa o sa lumolobong populasyon ng bansa?  Para sa akin, wala sa mga nabanggit ang dahilan.  Sa totoo lang, tila ba ang mga dugong nananalaytay sa atin ang nagiging hadlang sa inaasam nating kaunlaran.  Para bang palagi na lamang may mga paksyon sa bansa.  Nandyan ang 'Administrasyon laban sa Oposisyon,' ang mga 'Kapuso' at 'Kapamilya,' mayaman at mahirap.  Puro na lamang bangayan, alitan. Kabilang na nga tayo sa 'Political Wars' at 'Network War.'
Image generated with the help of 
ChatGPT (Open AI)

Sa kabila ng mga katiwalian, bulok na sistema, at kasakimang namamayani sa  lipunang ginagalawan  ko ay ikinararangal ko pa rin ang lahi ko. Bakit nga ba? Kasi, kung bibigyan ako ng isa pang buhay, nanaisin ko pa ring maging isang Pilipino.  Mas pipiliin ko pa ring maglakad sa magandang baybayin ng Puerto Galera at Boracay, magsimba sa milagrosong dambana ng Mahal na Nazareno at makilahok sa prusisyon tuwing Mahal na Araw.  Hahanap-hanapin ko pa rin ang adobo, sinigang at laing.  Kasasabikan ko pa ring marinig ang magagandang timbre ng boses nina Regine Velasquez, Charice, Jonalyn Viray at Brenan Espatinez. Makapag suot man ako ng Louis Vuitton, Gucci at Chanel,  iba pa rin talaga ang mga payak na damit na mabibili sa murang halaga sa Divisoria.  Talaga nga namang kahit saan man ako mapadpad, ang dugong Pilipino pa rin ang mananalaytay sa aking pagkatao.

Sa tuwing nakikita ko ang sarili ko sa salamin, napapansin ko ang kayumanggi kong balat, ang pango kong ilong at ang itim kong buhok.  Bakit nga ba hindi na lang ako nagkaroon ng balat ng mga Amerikano, matangos na ilong ng mga Ingles at kakaibang kulay ng buhok ng mga Pranses?  Nang mapunta ako sa ibang lugar, napagtanto ko na ang mga nabanggit ang nagsisilbing pagkakakilanlan ko.  Kahit na kitang-kita ang pagka Pilipino ko, napagkamalan pa rin akong Intsik, Koreana at Malay.  Datapwat sa paglipas ng araw, isa pa rin ang sinasabi ko sa buong mundo: "I am a Filipina."

Image generated with the help of ChatGPT (Open AI)




Nagmamahal,
Maica Angelle





Thursday, August 5, 2010

Detour

Change                                                              
Illustration generated with the help of ChatGPT (OpenAI)

Strange as it may seem, this is the most random thing in my world right now. Like the dawn of another era or the beginning of a new year, a new chapter of my life is unfolding. Even the way I start and end my day involves lots of transformation.

Changes can be good or bad. Either way, they are inevitable. Making room for these changes, though, is like taking a detour—there are no ifs and buts, just twists and turns.

Sometimes, some things just don’t last. Some gadgets we’ve gotten used to come and go. In my case, I had to let go of my Samsung SGH-D830 this week. Honestly, I didn’t expect to feel this way when my Samsung phone was taken away from me last Sunday. I guess the four tough years that I spent with this gadget are still incomparable to the hype that newer ones can bring. I really miss my white, slim-fit phone, and it will definitely take some time before I get used to having a new phone in my life.

As I made room for new gadgets in my life, I also had drastic changes in my daily routine. Well, since I had been diagnosed with an underactive thyroid earlier that year, I had stopped dieting. At the time, I simply felt too hopeless to deal with the changes my body was going through.

However, I eventually realized that I couldn’t let my condition stop me from doing the things I loved, like dancing and exercising. Now, my lazy mornings are energized by more intense dance workouts. I’m also moderating my calorie intake. I may still have a lot of weight to lose, but with enough motivation, determination, and the treatment I’m following, I’ll definitely get that slim body, right?

I was dancing my way through the week when I came across a video about the NLE (Nurse Licensure Examination) in the Philippines. According to the video, there was a possibility that board examination results could be switched. The claim was that, for P100,000, people who had failed the board examination could allegedly obtain licenses by claiming the ratings of some successful examinees.

If such practices were happening, the integrity of the Licensure Examination would be put to waste. Why work hard for it when others could allegedly acquire licenses through money anyway?

I greatly condemn people who engage in such acts. They are the ordinary Filipinos who curse the rotten political system in the country today. They are among those who want to put corrupt politicians behind bars while, at the same time, corruption is being committed at their own expense. What a shame!

I’ve entrusted part of my future to this system, and if those involved want to dignify their profession and reputation, they have to stop playing dirty. After all, money can’t buy dignity.

Through it all, I’ve realized that life involves a lot of choices. There are lots of roads to take and lots of bumps along the way. However, it’s comforting to know that no matter how many U-turns or detours we take, God will still be with us along the way.

Lovelots,
Maica Angelle


Photo created with ai using ChatGPT